Murang pagkain sa U-Belt

pub-6557389810692805

Murang pagkain sa U-Belt.

PAGSINABI KO PONG MURA. PINAKA MURA PO.

Graduate po ako ng FEU-Morayta. Alam naman po natin na maraming kainan sa U-belt, may pang anak mayaman pang mahirap at middle class. Karamihan ng kainan dito mura at masarap, pero ang hinanap ko po ay ang pinaka mura, The cheapest meal in University Belt,. Bakit? Kase trip ko lang at para matulungan kita pag gutom ka na at barya na lang ang nasa wallet mo.


Siomai Rice
Location- In front of FEU-Gym
Price- 15php, 3php per siomai
Meal- Yung meal po tatlong siomai na tapos isang rice, magtubig ka na lang.
Meron na din doong toyo, kalamansi at fried garlic.
Review- Para sakin masarap, wag mo na lang tanongin ko saan galing ang karne ng siomai ma didisapoint ka lang, or baka hindi mo na makain hehe. Pero ok naman, sa apat na taon kong pagkain sa FEU hepa-lane di naman ako nagkasakit.








Bentelog
Location- Tabi ng Ever mall
Price- 20php
Meal- Yung meal my rice, itlog,.. at pwede ka mamili kung hotdog, longanisa etc... my ketchup at
tubig na.
Review- Ok naman, di ko masasabing masarap pero pag gutom kana pwede na yan talaga. Cheap hotdog lang po, hindi tender juicy ang hotdog at ang rice well NFA pero sige lang. Pwede na mura naman, kung my 40php ka, two meals kana.





Fisball Rice (eto pag dispirado kana talaga)



Location- Kahit saan basta my fishball
Price- 10php
Meal- Fishball na 3php tapos 7php na rice.
Review- Wag ka ng mangarap na masarap, ganito na lang. Dip mo na lang ang fishball mo sa sauce tapos, yun na yun haha..pwede pang tawid gutom.











Kaninbaw (Patay gutom ka na talaga)


Kaninbaw (Brad, lulukin mo na lang)
Location- Kahit saan basta may kalenderya.
Price-7php
Meal- Rice tapos sabaw
Review- Chong lulukin mo na lang. Wala kang magagawa kaysa naman mamatay ka sa gutom.











Eto po ang ibang pictures doon sa my bentelong.