Top Ten (10) 90's Anime in the Philippines.

pub-6557389810692805
Wehew.. ang bilis ng panahon, ang karamihan sa atin tapos na sa college, pero malilimutan ba naman natin ang favorite anime natin ng 90's (at sige early 2000 na rin) na hapon-hapon natin inabangan? Hindi pa ganun ka uso ang internet download noon kaya talagang naghihintay tayon kung anu ang susunod na kabanata haha,.....kaya eto na na po di ko na papatagalin pa. Mga inabangan natin sa ABS CBN at GMA. =)

Sinama ko na nga pala yung mga opening theme song, alam ko na miss nyo to. =)




Paki like naman sa facebook nasa baba ng post na to ang button, salamat =)



                                                           
                                                      
10. Zenki- Sino ba naman ang makakalimot kay Zenki and friends? Sya yung mandirigmang ginawa ulit bata kase masyadong magulo at kinulong pa sa bato. Pero dahil kinakailangan sya kasalukuyang panahon pinakawalan sya at tinatangal ang sumpa ni Chiaka pag may kalaban kaya lumalaki sya bigla. Tapos lumabas pa nga yung karakter ni Goki, yung kalasag ni Diva. Lol =D


                                       




                                             
9.Fushigi Yugi- Lipat naman tayo sa GMA ah... Oh..sino nakakatanda kay Miyaka at Tamahome? Tanda pa naman siguro ninyo to. Kwento to ng dalawang magkaibigan na si Miyaka at si Julie mga high school students na nakulong sa libro, si Miyaka naging kinatawan Suzako at si Julie naging bitch ng Serioko hahahaha...ok naging taga kinatawan ng Serioko. Hahaha..
pero yun nga kung natatandaan nyo naging sobrang patok to sa Pilipinas kaya pumunta mismo ang gumawa na si Yuu Watase at binigyan ng autograph ang mga pinoy fans nya. Remember?






                 
                                                    
8. B'tX- Ok for the boys,.. natatandaan nyo pa ba ang Messiah Fist ni Teppei Takamiya laban sa kampon ng likha-on? Yes, eto ang kwento ng isang nakaka batang kapatid na gustong iligtas ang kanyang kuya laban sa isang Emperyo ng makina, . Kasama si X (ang BT ni Teppei) Susuogin nila ang kadiliman para makamit ang katarungan, (korni alam ko, pero aba tuwang tuwa ka naman nyan ng narining mo yan sa opening song date)









                                                                               
7. Gundam Wing- Si Heero Yuy, isang teenager gundam pilot na lumalaban sa United Earth Sphere Alliance ang main character, kasama si Duo Maxwell, Trowa Barton, Qwuatre Winner at Chang Wufie kasama ang kanilang mga hayop na gundam wawasakin nila ang mga weak na mobile suits upang makamtam ang kasarinlan sa buong kalawakan.








                                                       

                                                 




6. Samurai X-  Si Batusai ang mamamaslang na naging manlalakbay. Aksedente nyang nakatagpo si Kauro na pinatira sya sa bahay nila tapos, dumating si Sano naghahamon away gamit ang napaka laki nyang speda hehe..dahil sa pagtigil ni Kenshin (Batusai) bumalik sa pakikipag laban ang kanyang buhay,..pero ngayon kasama na nya ang bagong tagpong pamilya.







                                                          










5. Doraemon- "Doraemon!" Wika ni Nobita pagkatapos sya apihin ni Damulag at Soneyo, hahaha.. hihingi si Nobita ng tulong, tutolong si Doraemon pero di nya ipapahiram kay Nobita ang gamit. Tapos gagawa si Nobita ng paraan para makuha ang gamit tapos gagantihan na nya si Damulag at Soneyo, pagkatapos imbis na ibalik gagamitin ni Nobita pang boso kay Shisoka, o kung anu mang kalukan ang na isip nya, pero sa kataposan kawawa parin sya, kadalasan ganun pero hindi naman palagi..pero wala lang nakakatuwa talaga ang anime na to. =)









                                             










4. Pokemon- Sige isali na natin to, kahit hindi sya pang hapon. English pa, aminin nyong lahat nanood din kayo. Sya nga pala ang kumanta ng opening theme ay si Billy Crawford yung artista sa channel 2. Sa sobrang patok nito hangang ngayong airing parin ang Pokemon, kawawang team rocket 13 years ng kinukuryente ni Pikachu. Lol






                                                       










3. Magic Knight Rayearth- Ang main character ay sina Hikaru, Umi at Fou (kung saka sakali nakalimutan nyo na ang pangalan nila) iba-ibang school sila galing at nagkataon na sabay sabay din ang school tour nila sa Tokyo Tower, tapos biglang may matinding liwanag at nakarating sila sa ibang demension bla, blah, blah, nagkaroon sila ng mga mukhang gundam na robot. Hahaha sorry ah...mas maganda kase para sakin ang ibang anime natatandaan ko. =)






                  
2. Ghost Fighter-  Sino ba ang hindi na humaling kay Eugene at sa raygun nya, at epic na laban nila ni Taguro, pwera na lang siguro kung, hindi ka dumaan sa pagka bata. As  in epic ang anime na to, kaya nag sky rocket ang ratings ng GMA noon, tinangal nga nila ang sangkatotak na drama nila na pang gabi, dahil sa lakas ng anime ng oras na yun...at yun ay dahil sa ghost fighter at SUPER RAYGUN NI EUGENE,...hahahaha.










                                                    
















10. Dragon Ball Z- Boom!!! Ang pinaka Epic sa lahat, humabol ng 1999, Dragon Ball Z, natatandaan nyo ba ang laban ng batang Goku vs Haring Pikolo, ..yung Freeza Saga,. e pano yung Cell Saga na sa tingin ko ang pinaka matindi lahat. Alam nyo kung iisipin, kahit ipag sama-sama mo siguro ang lahat ng Japanese Anime sa mundo..hindi sila uubra sa mga character ng Dragon Ball, diyosko naman kayang wasakin ang buong Universe ng mga to,..sino tatapat sa kanila ha!??!?!?!?! Si Kakashi!? No match siguro sila kahit pagsama samahin pa ang lahat ng Kyuubi sa Naruto. Dragon Ball Z= Super Epic =D

Tapos na po sana nagustohan nyo.
Pa like naman sa facebook nasa baba lang ang button =)